PimpYoPage.Com

Friday, May 27, 2005

sinungaling...

sa gitna ng dilim, nangangapa ako at hinahanap ang mga salita mong napagiwanan na ng panahon, mga pangako mong kinalimutan nang maigi ng tadhana at naglaho na lang sa kawalan. alam kong hindi ko na ito makikita o maririnig pa, ngunit wala na akong alam na iba kundi ang maghanap, ang maghalughog, ang umasang makamtan at maangkin muli ang isang bagay na kung tutuusin ay hindi naman talaga naging akin.

hay, katangahan nga naman.. pero aaminin ko, nakakapagod, nakakasuya, nakakaumay.. ang magintay, umasa at maghanap sa wala, lalo na't kung ang bukas at kahapon ay walang pinagkaiba sa ngayon. ilang beses ko nang ipinangako sa sarili ko na titigilan ko na ang kabaliwang ito. ilang beses ko nang sinabing tama na ang kagagahang paghahanap na to..

pero eto pa rin ako, nangangapa at naghahanap sa gitna ng dilim.. sinungaling talaga ako. dahil kahit ilang beses ko man ipangako sa sarili ko na tama na, hindi na, tigilan na, ayoko na.. eto na naman ako..

sa huli, wala din pala tayong pinagkaiba.. sinungaling din pala ko.. singungaling din pala ko katulad mo..

0 Comments:

Post a Comment

<< Home