PimpYoPage.Com

Friday, May 27, 2005

buntong hininga (revised)

sa kadiliman ng gabi
malalim ang buntong hininga ng hangin
sing lalim ng mga sugat na iniwan
ng mga salitang binitawan mo sa akin

nanaginip lang ba ako
nung minsan ikaw ay naging akin?
nangarap lang ba ako na minsan
ako'y minahal mo rin?

sa kadiliman ng gabi
matalim ang lamig ng ihip ng hangin
sing talim ng mga alaala ng kahapong
mistulang hiniram lang natin

nanaginip lang ba ako
nung minsan ikaw ay naging akin?
nangarap lang ba ako na minsan
ako'y minahal mo rin?

handa man akong ibigay lahat sayo,
handa man ako,
ang lahat ay kulang pa rin..

0 Comments:

Post a Comment

<< Home